7 Talata sa Bibliya tungkol sa Ninanakaw ang mga Diyus-diyusan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Si Laban nga ay yumaon upang gupitan ang kaniyang mga tupa: at ninakaw ni Raquel ang mga larawang tinatangkilik ng kaniyang ama.
Kaya kung kanino mo masumpungan ang iyong mga dios, ay huwag mabuhay: sa harap ng ating mga kapatid ay iyong kilalanin kung anong mayroon akong iyo, at dalhin mo sa iyo. Sapagka't hindi nalalaman ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw.
At ngayon, bagaman iyong inibig yumaon, sapagka't pinagmimithian mong datnin ang bahay ng iyong ama ay bakit mo ninakaw ang aking mga dios?
At ang limang lalake na yumaong tumiktik ng lupain ay nagsiahon at pumasok doon, at kinuha ang larawang inanyuan, at ang epod, at ang mga terap, at ang larawang binubo, at ang saserdote ay nakatayo sa pasukan ng pintuang-bayan na kasama ng anim na raang lalake na may sandata ng kanilang mga kasakbatang pangdigma. At nang pumasok ang mga ito sa bahay ni Michas, at makuha ang larawang inanyuan, ang epod, at ang mga terap, at ang larawang binubo, ay sinabi ng saserdote sa kanila, Ano ang inyong gagawin?
At natuwa ang puso ng saserdote, at kaniyang kinuha ang epod, at ang mga terap, at ang larawang inanyuan, at yumaon sa gitna ng bayan.
At kaniyang sinabi, Inyong kinuha ang aking mga dios na aking ginawa, at ang saserdote, at kayo'y yumaon, at ano pang mayroon ako? at bakit nga sasabihin ninyo sa akin, Anong mayroon ka?
Ikaw na nagsasabing ang tao ay huwag mangalunya, ay nangangalunya ka? ikaw na nasusuklam sa mga diosdiosan, ay nanakawan mo ang mga templo?